Sinimulan ang Visayas Mindanao Organization taong 1999. Maraming pangalan ang pinagpilian at sa bandang huli ay napagkasunduan na Vismin Organization ang opisyal na pangalan sa nabanggit na organisasyon, 20 miyembro ang lumahok sa pagpupulong at sa katagalan ay naging 100 ang kasapi.
Karamihan sa mga kasapi ay Domestic Helpers , TNT na factory workers ,Trainees at Entertainers na tumutugtog sa mga Five Star Hotel ng Korea.
Taong 1999 ng mapagkasunduan na magkaroon ng fundraising campaign na kung saan ang kikitain ay mapupunta sa mga Filipinong nangangailangan at ito ay ang " Binibining Pilipinas Korea" . Muli itong nabago taong 2003 ng gawin ang "Binibini at Ginoong Pilipinas Korea" para naman mgakaroon ng pagkakataon ang mga kalalakihan na maipakita ang kanilang galing at kakayahan sa timpalak pagandahan
2004 sa ikatlong pagkakataon ay muling binago ang pangalan ng timpalak pagandahan at ito ay " King & Queen of Filipino Migrants in Korea" na kung saan ang layunin ay kahalintulad lamang sa dating layunin.
1999,2000,2001,2002 buwan ng Disyembre ng magkaroon ng panibagong fundraising campaign ang Vismin Organization at ang hangarin ay makapagbigay ng tulong sa Church of Our Lady of Parish Abandoned sa Mandaluyong.
Sa paglipas ng panahon dahil sa tatag at solidong pagkakaisang ipinakita ng bawat miyembro ay nagkaroon ng kaganapan ang minimithi ng organisasyon na kahit pagod at inaantok ang mga miyemro tuwing may pagpupulong ay walang sawang ipinapakita nila ang pakikiisa at pagmamahal sa grupo.

